Sesyon sa Kongreso muling magbubukas ngayong araw

By Justinne Punsalang November 12, 2018 - 01:39 AM

Magbubukas na muli ngayong araw ang sesyon sa Kongreso makalipas ang isang buwang Halloween break.

Kabilang sa mga nakatakdang talakayin sa Mababang Kapulungan ang pag-amyenda sa P3.7 trillion 2019 national budget, muling pagbubukas sa imbestigasyon tungkol sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine, maging ang consolidated impeachment complaints laban sa ilang mga mahistrado ng Korte Suprema.

Kabilan dito sina Supreme Court Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Noel Tijam, Andres Reyes, Jr., at Alexander Gesmundo.

Samantala, para naman sa Senado, tatalakayin ang nasa 74 mga panukalang batas na aprubado na para sa ikatlo at huling pagbasa.

Habang mayroong 90 naman na hinihintay na lamang ang lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa legislative calendar, makalipas ang mahigit isang buwan ay muling magsasara ang sesyon sa Kongreso sa December 15 para sa Christmas break.

Muling babalik sa sesyon ang dalawang kapulungan sa January 13, ngunit pagdating ng Pebrero ay muling magkakaroon ng break upang magbigay daan sa election season.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.