Paggamit ng fentanyl, ipinagtanggol ni Pangulong Duterte

By Rhommel Balasbas November 12, 2018 - 02:35 AM

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagsasabing siya ay drug addict dahil sa paggamit ng fentanyl.

Sa talumpati sa Puerto Princesa Palawan, iginiit ng pangulo na hindi iligal na droga ang kanyang iniinom kundi isa lamang painkiller.

Tinawag na buang ni Duterte ang mga gumagawa ng isyu tungkol sa paggamit niya ng fentanyl na anya ay nireseta pa mismo sa kanya ng doktor.

Giit ng pangulo, gumagamit siya nito dahil ayaw ng kanyang pamilya na sumailalim siya sa operasyon dahil sa sakit na kanyang nararamdaman.

Ang fentanyl anya na kanyang iniinom ay hinahati sa apat na piraso ngunit isang beses lang itong iniinom kada dalawang araw.

Gayunman, may naiiwan anya na sakit kaya’t sinusubukan niya na dalawang piraso at gumaganda anya ang kanyang pakiramdam.

Ayon sa pangulo, nalaman ng kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceña na lampas sa isa ang kanyang iniinom kaya’t binabalaan siya nito sa posibleng adiksyon sa gamot.

Dahil dito nagpayo ang doktor sa pangulo na isa lang sa apat na piraso ang inumin dahil sa posibleng masamang epekto nito sa kanyang kalusugan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.