M3.5 na lindol, naitala sa North Cotabato

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng North Cotabato alas-11:43 Linggo ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng pagyanig ay sa layong 11 kilometro Hilagang-Kanluran ng Alamada.

May lalim itong tatlong kilometro.

Tectonic ang dahilan ng pagyanig at hindi naman nakapagtala ng aftershocks.

Hindi rin inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian.

Read more...