Imbestigasyon sa Dengvaxia controversy muling bubuksan sa November 20
Muling magbubukas sa November 20 at 21 ang imbestigasyon sa Kongreso tungkol sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.
Sa isang panayam, sinabi ni House committee on good governance and public accountability chairman at Camiguin Representative Xavier Romualdo na pag-uusapan ng komite ang iba pang mga isyu tungkol sa P3.5 bilyong Dengvaxia vaccine project.
Umaasa si Romualdo na sa pamamagitan nito ay maliliwanagan ang lahat tungkol sa isyu at magkakaroon ng mas kumpleto at komprehensibong report.
Paliwanag ng mamababatas, nang balikan niya ang mga dokumento at mga nangyari sa mga naunang pagdinig ay nakulangan siya sa impormasyon.
Kaya naman sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ay makakapagtanong sila sa mga resource persons upang malaman ang totoon nangyari sa Dengvaxia controversy.
Ani Romualdo, gusto niyang imbitahan ang mga low-ranking officials ng Department of Health (DOH) upang malaman kung paano ang naging takbo ng proseso mula sa baba pataas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.