Rehabilitasyon ng MRT-3 matatapos sa unang bahagi ng 2021 — DOTr

By Justinne Punsalang November 11, 2018 - 05:11 PM

Tatagal ng 26 na buwan ang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit line 3 (MRT-3).

Pagtitiyak ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Railways Timothy John Batan, sa unang quarter ng 2021 ay matatapos na ang rehabilitasyon ng naturang train system.

Sa isang panayam, sinabi ni Batan magsisimula ang rehabilitasyon ng MRT-3 sa Enero ng susunod na taon. Kaya naman buog taon ng 2019 at 2020, hanggang sa unang quarter ng 2021 ay isasaayos ang MRT-3.

Ngunit pagtitiyak ni Batan, hindi magkakaroon ng dagdag-pasahe sa MRT-3 dahil sa pagsasaayos nito.

Samantala, simula kahapon, araw ng Sabado ay nagsimula na ang 1,000 kilometer test run ng isang Dalian train na tatakbo lamang mula alas-5:30 ng hapon hanggang alas-10:30 ng gabi kapag weekend, at alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hpon kapag weekdays.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.