Media man pinagsasaksak sa Albay, patay!

By Justinne Punsalang November 11, 2018 - 05:02 PM

Celso Amo Facebook

Nasawi sa pananaksak ang isang beteranong media man matapos itong pagsasaksakin sa Daraga, Albay.

Kinilala ang biktimang si Celso Amo na naging correspondent ng Philippine Star sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Nagsilbi rin si Amo bilang empleyado ng Philippine Information Agency – Bicol region at stringer ng Philippine News Agency.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, isang testigo ang nakakita kay Amo na tumatakbo palabas ng isang basketball court nang maysaksak sa likod.

Hindi pa nakuntento ang suspek na si Adam Abanez at sinundan si Amo bago ito muling pinagsasaksak.

Aminado ang naarestong suspek sa ginawang krimen. Aniya, nagawa lamang niya ang pananaksak dahil tila pinagti-tripan siya ng biktima at mga kalaro nito sa basketball.

Ayon naman sa mga kamag-anak ng suspek, mayroon itong problema sa pag-iisip.

Isang bolo na 15 pulgada ang haba ang ginamit sa krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.