Concert ng Spice Girls nadagdagan pa ng limang shows

By Justinne Punsalang November 11, 2018 - 05:24 PM

Geri Horner

Mula sa orihinal na anim na shows ay nadagdagan pa ng lima ang concert tour ng 90s girl group na Spice Girls.

Marami kasi sa mga fans ang nadismaya at hindi nakabili ng tickets para sa kanilang reunion concert tour kaya naman naisipan ng grupo na magdagdag pa ng shows.

Imbes na sa June 1, 2019 ay magsisimula na ang concert tour ng grupo sa May 29 sa Etihad Stadium sa Manchester, England. Susundan ito ng dalawa pang shows sa kaparehong venue sa May 31 at June 1.

Dalawang shows naman ang magkasunod na gagawin as Ricoh Arena sa Coventry sa June 3 at 4; isang show sa Stadium of Light sa Sunderland sa June 6; at isa ring show sa BT Murrayfield Stadium sa Edinburgh, Scotland sa June 8

Matapos ito ay babalik ang grupo sa England para magtanghal sa Ashton Gate sa Bristol sa June 10. At ang huling tatlong shows sa June 13 hanggang 15 ay magaganap naman sa makasaysayang Wembley Stadium sa London.

Kasabay nito ay naglunsad din ng #IWANNABEASPICEGIRL campaign ang girl group na layuning sumuporta at bigyang boses ang mga kababaihan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.