FEU tinalo ang NU sa UAAP men’s basketball

Hindi pa tapos ang laban para sa Far EAstern University Tamaraws sa UAAP Season 81 men’s basketball hangga’t hindi pa naseslyuhan ang huling koponan na maglalaro para sa Final Four ng torneo.

Kaya naman tiniyak ng Tamaraws na mayroon pa silang tsansa, matapos talunin ang National University Bulldogs sa kanilang naging tapatan kanina.

Natapos ang laro sa iskor na 79-74 pabor sa FEU.

Dahil sa naturang pagkapanalo, tie sa ikaapat na pwesto ang FEU at University of the Philippines Fightingh Maroons na kapwa mayroong 7-6 win-loss record.

Pinangunahan ni Arvin Tolentino ang FEU matapos nitong makapagbigay ng 16 na puntos at anim na rebounds. Sinundan naman siya ni Kenneth Tuffin na mayroong 15 points.

Bagaman hindi nanalo ang Bulldogs ay agaw-atensyon naman ang kanilang manlalaro na si John Lloyd Clemente na nakapagtala ng 38 points sa laro. Siya ang may pinakamalaking naitalang iskor sa buong season ng UAAP ngayong taon.

Read more...