Asawa ni Ladlad, maari din na maharap sa kaso ayon sa PNP
Maaaring maharap din sa kaso ang asawa ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Vicente Ladlad.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, maaring makasuhan si Fides Lim-Ladlad ng obstruction of justice dahil sa pagtatangka nitong harangan ang police car na siyang may sakay sa kanyang asawa.
Aniya ang paglabag sa batas ay may kaukulang parusa.
Matatandaang naaresto si Ladlad dahil sa kasong illegal possession of firearms sa Quezon City.
Iginiit ng asawa nito na ang mga nakitang baril ay planted ng mga pulis at kanyang hinamon ang PNP na suriin ang fingerprints sa baril.
Ito aniya ay magpapatunay na planted ang mga nasabing baril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.