Palawan, maaring ipasara tulad ng Boracay ayon kay Duterte

By Rod Lagusad November 11, 2018 - 02:54 PM

Maaring ipasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Palawan tulad ng ginawa sa Boracay.

Sinabi ng pangulo sa mga opisyal ng Palawan na pangalagaan ang isla at protektahan ito mula sa overexploitation dahil baka magaya ito sa ginawang anim na buwang rehabilistasyon sa Boracay.

Ayon sa pangulo, iwasan ang overcrowding sa isla.

Iginiit ni Duterte na huwag hayaang magkaroon ng mga hotel malapit sa beach.

Binigyang diin ng pangulo na ang beach at dagat ay para sa mga tao at pagmamay-ari ng national government.

Dagdag pa ni Duterte dapat ang mga pamunuan ng mga hotel ay tumulong sa pagpepreserba ng isla.

Matatagpuan sa Palawan ang ibat ibang mga tourist attractions tulad ng El Nido at Coron.

TAGS: Palawan, rodrigo duterte, Palawan, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.