DENR, iimbestigahan ang mga basurang mula SOKOR

By Isa Avendaño-Umali November 11, 2018 - 11:02 AM

Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na hindi palalagpasin ng gobyerno ang pagkakadiskubre ng tone-toneladang basurang galing umanong South Korea at ngayo’y nakatambak sa Mindanao.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, kukumpirmahin ng ahensya kung nagmula ba talaga sa South Korea ang mga basura.

Hinala ng opisyal, mayroong naganap na “misdeclaration” ng shipment.

Pagsisiguro ni Antiporda, parurusahan ang sinumang mapatunayang may pananagutan sa pagtambak ng mga basura sa ating bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni Antiporda na nakitaan ng hazardous wastes ang mga basura, kaya gagawa na aniya ng aksyon ang DENR division upang hindi na ito makasamsa sa mga residente.

Batay sa inisyal na impormasyon, ang mga basura na mula South Korea ay dumating sa Mindanao Container Terminal noong Hulyo.

Ang South Korean company na Verde Soko Philippines Industrial Corporation ang consignee ng shipment, at idineklara raw ang mga basura bilang plastic synthetic flakes.

TAGS: DENR, south korea, DENR, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.