Gilas Pilipinas, todo-handa na para sa 5th window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers

By Isa Avendaño-Umali November 11, 2018 - 11:00 AM

Tiwala si Coach Yeng Guiao na malaki ang maitutulong sa Gilas Pilipinas ng nakatakdang tuneup games ng national team, bilang preparasyon sa ikalawang window ng 2018 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Unang haharapin ng Gilas men para sa tuneup ang koponan ng Jordan sa November 19 at 21, na susundan naman ng laban nito sa Lebanon sa November 24 at 25.

Sinabi ni Guiao na advantage sa Gilas Pilipinas na hindi na kailangan pang umalis ng bansa ang kanilang team para sa tuneup games, upang makatutok ng husto sa ensayo.

Mismong ang mga national team ng Jordan at Lebanon din aniya ang nagpasyang magtungo sa Maynila para sa tuneup games.

Wala namang balak ang Gilas men na tumigil sa kanilang practice, dahil nalalapit na rin ang FIBA World Cup Asian Qualifiers 5th window schedule.

Sa November 30, magaganap ang Gilas Pilipinas versus Kazakhstan habang sa December 3 naman ang Gilas Pilipinas versus Iran.

Kamakailan lamang ay inanusyo ni Guiao ang kanyang napiling 20-man player pool.

TAGS: 2018 FIBA World Cup Asian Qualifiers, Gilas Pilipinas, Yeng Guiao, 2018 FIBA World Cup Asian Qualifiers, Gilas Pilipinas, Yeng Guiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.