Sa araw ng guilty verdict ng Sandiganbayan, Rep. Imelda Marcos nakadalo pa sa bday party ng anak

By Isa Avendaño-Umali November 11, 2018 - 09:38 AM SHARE(S):

Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ng pagdalo ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa birthday party ng kanyang anak na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, sa araw na inilabas ng Sandiganbayan ang hatol nito sa dating first lady.

Sa mga naturang larawan, makikita si Ginang Marcos kasama ang iba pang malalaking personalidad na bisita sa party ni Governor Imee.

Kabilang na rito sina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, dating Senador Juan Ponce-Enrile at Manila Mayor Joseph Estrada.

Present din sa okasyon sina Presidential daughter, Davao City Mayor Sara Duterte at Solicitor General Jose Calida.

Maliban kay Ginang Marcos, dumalo rin ang mga anak nito na sina Irene at Bongbong Marcos.

Nabatid na ginanap ang party para 62nd birthday ni Governor Imee noong Biyernes (November 9) sa bahay ng mga Marcos sa San Juan City.

Noong araw na iyon, hinatulan ng Sandiganbayan si Ginang Marcos ng “guilty” sa pitong bilang ng graft dahil sa koneksyon nito sa ilang Swiss-based foundations noong siya ay Minister of Human Settlements at interim member ng Kongreso kung administrasyon ng asawa nito na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Bigo si Ginang Marcos na makadalo sa mismong araw ng promulgation ng korte. Pinapaaresto ng anti-graft court siya, pero inanunsyo ng kampo nito na maghahain sila ng apela.

TAGS: Guilty Verdict, Imee Marcos, Imelda Marcos, sandiganbayan, Guilty Verdict, Imee Marcos, Imelda Marcos, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.