Ayon kay Villar, ngayon na ang pagkakataon ng kagawaran na mapanagot sa batas ang mga may kinalaman sa pag-smuggle ng bigad at pagmamanipula ng presyo ng mga ito.
Ang pahayag ni Villar ay kasunod ng pagkakaroon ng probable cause laban kay David Bangayan at lima pang mga indibidwal.
Ang mga ito ay inaakusahan na bahagi ng mga rice cartel na gumamit ng mga dummy para mapataas ang presyo o halaga ng bigas sa mga pamilihan.
Naniniwala si Villar na malakas ang kaso laban kina Bangayan pero hindi siya lubusang magpapakampante dahil sa mayaman na mga tao ang mga kinasuhan.
Si Villar ang siyang chair ng Senate Committee on Agriculture.