Ikalawang linggo ng 2018 Bar Exams, isinasagawa

November 11, 2018 - 09:31 AM SHARE(S):
Courtesy of MPD

Todo-bantay pa rin ang mga pulis sa ikalawang linggo ng 2018 Bar Examinations na ginanagap sa University of Santo Tomas o UST sa lungsod ng Maynila.

Maaga pa lamang ay nakaposte na ang mga tauhan ng Manila Police District o MPD sa paligid ng UST upang matiyak ng seguridad at kapayapaan habang isinasagawa ang pagsusulit.

Mas marami ring mga tagasuporta ng mga bar examinee ang nasa UST. May mga bitbit silang tarpaulins, habang mayroon ding nagdala pa ng Sto. Niño o poon.

Courtesy of MPD

Muli namang pinayuhan ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta, dahil sa inaasahang mabagal na daloy ng trapiko sa España Boulevard sa kasagsagan ng bar exams.

Sa abiso rin ng MPD Traffic Enforcement Unit, magpapatupad sila ng “stop and go traffic” sa mga sasakyan sa P. Naval Street, AH Lacson Avenue at España Boulevard. Ito ay para sa drop-off at pick-up time sa bar examinees.

Mahigpit na ipagbabawal din ang pag-park sa bisinidad ng UST upang masiguro na maayos ang traffic flow sa lugar.

TAGS: 2018 Bar examinations, MPD, UST, 2018 Bar examinations, MPD, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.