Isa patay sa pagbaha sa Kuwait

By Rod Lagusad November 11, 2018 - 08:28 AM

Patay ang isang lalaki sa pagbaha na dulot ng malakas na pag-ulan sa Kuwait.

Ayon sa health ministry ng bansa, nasa 30 taong gulang ang biktima.

Namatay ito matapos anurin nang subukan nitong iligtas ang kanyang pamilya mula sa kanilang bahay na nalubig sa baha.

Napinsala na rin ng naturang pagbaha ang mga kalsada, mga tulay at mga kabahayan.

Habang may mga ulat din ng mga nasugatan dahil sa mga aksidente sa kalsda dahil sa pag-ulan.

Ayon sa ulat, maraming mga sasakyan ang inanod ng bahay lalo na sa mga bagong gawang mga residential areas.

Naglunsad na ang army at national guard ng Kuwait ng search operation.

Meron na na ring mga itinakdang lugar na siyang pagdadalhan ng mga residenteng apektado ng pagbaha.

TAGS: flood, kuwait, flood, kuwait

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.