4 patay sa pagbagsak ng small plane sa Iowa

Isang small plane ang bumagsak sa central Iowa, USA, na ikinasawi ng apat na katao.

Ayon sa mga awtoridad, inatake sa puso ang piloto ng eroplano.

Nakilala ang mga nasawi na sina Edward Ralph Anderson, 49 anyos na siyang piloto ng eroplano; Patrick Kellen, 36 anyos; Samantha Clark, 15 anyos; at Tyler Douvia, 28 anyos.

Papunta sanang Osceola, ang eroplano nang sinubukang mag-emergency landing ng isa sa mga student pilots ayon sa Guthrie County Sheriff’s Office.

Hindi naman tinukoy kung sino sa tatlo ang sumubok.

Wasak-wasak ang eroplano matapos bumagsak dahilan para agad na bawian ng buhay ang mga biktima.

Dinala na ang mga labi ng apat sa Iowa Medical Examiner’s Office para isailalim sa autopsy.

Iimbestigahan ng Federal Aviation Administration (FAA) ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

Read more...