Aktor na si ‘Bangkay’ inihatid na sa huling hantungan

By Rhommel Balasbas November 11, 2018 - 06:38 AM

Inilibing na ang mga labi ng aktor na si Nonong de Andres o mas kilala bilang si Bangkay sa Loyola Memorial Park sa Parañaque City, Sabado ng hapon.

Matatandaang natagpuan na lamang ang katawan ng aktor sa isang cottage sa isang beach resort sa Brgy. Tumagay, Plaridel Quezon noong Martes.

Miyerkules nang i-cremate ang kanyang mga labi sa Lucena City na kanya mismong kagustuhan.
Bumida sa mga horror movies si Bangkay at maging sa ilang mga teleserye tulad ng ‘Forevermore’, ‘Bagani’ at ‘Alyas Robin Hood’.

Sa katunayan, kabilang sa mga nakilamay noong Biyernes ay ang cast ng ‘Foevermore’ sa pangunguna nina Enrique Gil at Liza Soberano.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.