M3.1 na lindol naitala sa Davao Occidental

Naitala ang magnitude 3.1 na lindol sa bahagi ng Davao Occidental alas-4:43 madaling araw ng Linggo.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 88 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim itong 33 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng pagyanig na hindi naman nakapagdulot ng aftershocks.

Nasa karagatan ito kaya’t hindi rin inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian.

Read more...