Problema sa kuryente sa Palawan pinaaayos ni Pangulong Duterte

Binigyan lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang katapusan ng taong ito ang pamahalaang panlalawigan ng Palawan at ang energy cooperative nito para ayusin ang problema nito sa kuryente.

Sa talumpati ng pangulo sa kauna-unahang ‘Subaraw Biodiversity Festival’ sa Puerto Princesa, sinabi ni Duterte na hindi katanggap-tanggap para sa kanya ang nangyayaring brown-out sa lugar na umaabot ng anim hanggang walong oras sa kabila ng modernong panahon.

Dahil dito, pinag-uupgrade ng pangulo ang lalawigan sa usapin ng kuryente at binigyan ng deadline na hanggang bago matapos ang taon.

Iginiit naman ng pangulo na hindi siya namemersonal at ginagawa lamang ang kanyang trabaho.

Samantala, sakaling mabigo ang lalawigan sa deadline ay hahanap umano si Duterte ng bagong electricity operator.

Nagbiro naman ang presidente na hindi niya makita ang kagandahan ng mga kababaihan sa Palawan kapag madilim.

Read more...