Duterte itinangging may papel siya sa pagpatay sa mga alkalde

By Rhommel Balasbas November 11, 2018 - 03:43 AM

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang kahit anumang koneksyon sa sunud-sunod na pagpatay sa mga alkalde.

Sa talumpati ng pangulo sa kauna-unahang ‘Subaraw Biodiversity Festival’ sa Puerto Princesa, sinabi ng pangulo na pulis dapat ang tanungin tungkol sa mga kasong ito.

“Ewan ko kung ilang mayor yung namatay, basta ako wala ako diyang… Pulis tanungin ninyo,”

Muli namang nagbanta ang pangulo sa mga lokal na opisyal na pananagutin ang mga ito sakaling pasukin ang kalakaran ng iligal na droga.

Inalala rin niya ang naganap na pulong kasama ang mga alkalde sa Malacañang.

“Sabi ko sa lahat ng city mayor, ‘p***** n’yo, ‘wag kayong papasok diyan. Yayariin ko kayo,” ani Duterte.

Umabot na sa 11 alkalde at 6 na bise-alkalde ang nasasawi sa ilalim ng administrasyong Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.