Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, maaaring igiit ng mga abogado ng dating Unang Ginang ang humanitarian reasons para mailigtas ito sa pagkakakulong.
Ito anya ay dahil sa matanda na si Marcos at mahina na ang lagay ng kalusugan nito.
Sa ngayon ay 89 anyos na si Marcos at nahaharap sa posibleng 77 taong pagkakakulong.
Samantala, sinabi ni 1-Ang Edukasyon Partylist Rep. Salvador Belaro na maaaring ipagpatuloy ni Marcos ang paninilbihan bilang kongresista dahil hindi pa naman final and executory ang desisyon ng Sandiganbayan.
Nakatakdang maghain ng Motion for Reconsideration ang kampo ng asawa ng dating diktador para mapabaliktad ang desisyon ng anti-graft court.