Higit P2 oil price rollback, ipatutupad sa darating na linggo

By Rhommel Balasbas November 11, 2018 - 02:29 AM

Isang bigtime oil price rollback ang sasalubong sa mga motorista sa darating na linggo.

Ito ay dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng imported na langis sa world market.

Dahil dito, ito na ang ikalimang sunod na rollback sa presyo ng oil products.

Matatapyasan ng P2.40 hanggang P2.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Ang presyo ng diesel naman ay mababawasan ng P2.00 hanggang P2.10 kada litro.

Habang ang bawas presyo sa kerosene o gaas ay papalo sa P1.70 hanggang P1.80 kada litro.

Ang oil price adjustments ay kadalasang ipinatutupad tuwing araw ng Martes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.