2 lalaki timbog matapos maaktuhang nanghuhuli ng pusa sa Malabon

By Rhommel Balasbas November 11, 2018 - 03:28 AM

Inaresto ng mga pulis ang dalawang lalaki na naaktuhang nanghuhuli ng mga pusa sa lungsod ng Malabon.

Natiyempuhan ng mga pulis na nagsasagawa lamang ng Oplan Sita sa Barangay Longos ang isang lalaki na dinampot ang isang pusa.

Matapos nito ay agad na iniabot ng lalaki sa kanyang kasamahan ang pusa na nilagay naman sa sako na nasa isang kariton.

Hinanapan ng mga awtoridad ang dalawa ng kaukulang permiso sa panghuhuli ng mga pusa ngunit walang naipakita ang mga ito.

Dahil dito ay inaresto agad ang mga ito at dito tumambad ang 18 pusa na nahuli ng dalawa at nakasilid sa sako.

Inaalam pa ng mga pulis kung ano ang plano ng dalawa sa mga hinuling pusa ngunit pinaghihinalaang ibebenta ang mga ito sa medical students.

Dahil dito mahaharap ang dalawang lalaki sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.