Pinay singer, pasok sa 4 Chair Challenge ng X Factor Romania

Photo grab from X Factor Romania Youtube account

Nakakuha ng pwesto sa 4 Chair Challenge ang Pinay singer na si Bella Santiago sa X Factor Romania.

Kinanta ni Santiago ang bersyon ng Rolling in the Deep ni Kapamilya singer KZ Tandingan na orihinal namang kinanta ni Adele.

Napabilib ang mentor ng grupo na si Delia sa ipinamalas na performance ng 28-anyos na Pinay.

Dagdag pa nito, posibleng magwagi si Santiago sa ikawalong season ng X Factor dahil sa kaniyang galing.

Samantala, nakapahanga rin si KZ at binati si Santiago sa kaniyang performance.

Susunod namang makakaharap ni Santiago si Christian Sanda para sa Duel round.

Read more...