Walang apektadong Pinoy sa California wildfires – DFA

By Angellic Jordan November 10, 2018 - 08:59 PM

AP photo

Wala pang napapaulat na Pilipinong naapektuhan sa dalawang wildfire sa California, USA.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inalerto na ng Philippine Consulate General sa Los Angeles ang 25,879 na Pilipinong namamalagi sa lugar.

Sinabi rin ng kagawaran na mahigit na nakatutok sa sitwasyon ang mga otoridad para bantayan ang kaligtasan ng mga Pilipino sa lugar.

Samantala, siyam katao ang kumpirmadong nasawi sa bayan ng Paradise sa Butte County dahil sa wildfires.

Pinalikas naman ang 26,000 na katao sa nasabing lugar.

Kabilang ang mga sikat na celebrities na sina Kim Kardashian-West, Alyssa Milano at Melissa Etheridge sa mga pinalikas sa Malibu at Calabasas.

TAGS: Butte County, California wildfires, DFA, Butte County, California wildfires, DFA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.