Higit 34 tonelada ng basura, nakolekta ng MMDA sa Manila Bay

By Angellic Jordan November 10, 2018 - 08:46 PM

Kuha ni Ricky Brozas

Hindi bababa sa pitong trak ng basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa isinagawang clean-up drive, Sabado ng umaga.

Kabuuang 34.31 na tonelada ng basura ang nahakot ng 200 na street sweeper sa bahagi ng southbound lane ng Roxas Boulevard.

Ilan sa mga nakuha ay ang mga kawayan at kahoy na dinala ng alon mula sa malalapit na fish pen, water lily, mga plastic at iba pa.

Tinawag ni MMDA Metro Parkways Clearing Group head Francis Martinez na “eyesoar” ang Manila Bay dahil sa mga nakalutang na basura dito.

Dahil dito, pinaalalahanan ni Martinez ang publiko sa maayos na pagtatapon ng basura.

Dinala naman ang mga nakolektang basura sa Pier 18 para dalhin sa sanitary landfill.

Ang naturang Manila Bay clean-up drive ay bahagi ng 43rd anniversary celebration ng MMDA.

TAGS: Basura, Manila Bay, Manila Bay clean-up drive, mmda, roxas boulevard, Basura, Manila Bay, Manila Bay clean-up drive, mmda, roxas boulevard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.