Isa pang bangkay, narekober sa Natonin landslide

Mt. Province – PDRRMO

Isa pang bangkay ang narekober sa gumuhong lupa sa Natonin, Mountain Province.

Ayon kay Natonin Mayor Mateo Chiyawan, natagpuan ang bangkay sa layong 300 metro mula sa ground zero.

Ani Chiyawan, itinigil na ang retrieval operation sa lugar ngunit tuloy pa rin ang paghahanap sa 10 pang katao na nawawala.

Gayunman, wala aniyang timetable sa pagpapatuloy ng search operation.

Noong Martes, umabot na sa 18 ang bilang ng mga narekober na bangkay sa lugar.

Naganap ang landslide sa Department of Public Works and Highways (DPWH) building sa bahagi ng Barangay Banawel noong October 30.

Read more...