P25 umento sa sahod ng minimum workers sa NCR, epektibo sa Nov. 27
Sa November 27, 2018 magiging epektibo ang aprubadong P25 dagdag sa minimum na sweldo ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang minimum wage increase ay ibibigay 15 araw matapos ang publication ng approval ng National Wages and Productivity Commission (NWPC).
Sa tingin ni Bello ay sa Lunes, November 12 pa maaaksyunan ang umento kaya makalipas ang 15 araw ay saka pa lang ito epektibo.
November 5 nang maaprubahan ang P25 minimum wage hike kabilang ang P10 dagdag sa cost of living allowance (COLA).
Dahil dito, ang minimum na sweldo ng NCR worker ay mula P500 hanggang P537.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.