Belingon, handang makalaban muli si Fernandes

Handa si Filipino mixed martial artist Kevin “The Silencer” Belingon na makalaban muli sa ikatlong pagkakataon ang Brazilian fighter na si Bibiano Fernandes.

Ayon kay Belingon, isa siyang figther at propesyonal kaya haharapin nito ang anumang laban.

Nasungkit ni Belingon ang ONE Bantamweight World Champion belt kontra kay Fernandes via split decision sa Singapore, araw ng Biyernes.

Naging mahigpit ang laban ng dalawa dahil sa armbar attempts ni Fernandes at magandang ground defense ni Belingon.

Ani Belingon, kampante siya sa kaniyang ground game sa kabila ng mga atake ni Fernandes.

Ito ang ikalawang paghaharap ng dalawa mula sa kanilang unang laban dalawang taon na ang nakakalipas.

Read more...