9 patay sa wildfires sa California, USA

By Angellic Jordan November 10, 2018 - 03:44 PM

AP photo

Siyam katao ang kumpirmadong patay bunsod ng wildfires sa California, USA.

Ayon sa mga opisyal, naitala ang mga nasawi sa bayan ng Paradise sa Butte County.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Butte County Sheriff Korey Jonea ukol sa sunog at hindi na rin inilabas ang pangalan ng mga biktima.

Aniya, wala pa silang natatanggap na iba pang detalye mula sa mga imbestigador na nakakalat sa iba’t ibang lugar na apektado nito.

Samantala, umabot naman sa 26,000 katao ang pinalikas ng mga otoridad sa Butty County.

Batay sa impormasyon ng California Fire Department, nagsimula ang wildfire Huwebes ng umaga kung saan aabot sa 28,300 na ektarya ang apektado.

TAGS: Butty County, California, wildfires, Butty County, California, wildfires

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.