Filipino, Panitikan pwede nang tanggaling core subjects sa kolehiyo
Pwede nang tanggalin sa core subjects sa kolehiyo ang Filipino at Panitikan matapos ideklara ng Korte Suprema na valid ang Memorandum Order ng Commission on Higher Education (CHED).
Sa ilalim ng CHED Memorandum Order No. 20, binawasan ang General Education Curriculum sa minimum na 36 units.
Dahil dito, hindi na kasama ang Filipino at Panitikan bilang core subjects sa kolehiyo.
Ayon sa mga petitioner, labag sa batas ang bagong curriculum kaya naglabas ang Supreme Court ng temporary restraining order laban sa implementasyon nito noong 2015.
Pero sa bagong SC ruling kung saan idineklarang legal ang K-12 program, nakapaloob ang pagtanggal sa TRO sa pagpapatupad ng CHED Memorandum Order.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.