Isa patay sa paglubog ng bangka sa Masbate

Isang bangka ang napaulat na lumubog sa karagatang malapit sa Sombrero Island sa Burias, Masbate.

Sa nakarating na ulat kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Capt. Armand Balilo, lumubog ang bangka na may sakay na 40 na pasahero pasado 10:00 ng umaga, araw ng Sabado.

Galing sa San Andres, Quezon ang bangka at nabatid na nag-island hopping nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Balilo, isang Bata ang kumpirmadong namatay sa paglubog.

Read more...