3 patay, 3 arestado sa ikinasang operasyon sa Laguna

By Angellic Jordan November 10, 2018 - 03:05 PM

Credit: Google

Patay ang tatlong gun-for-hire suspects habang arestado naman ang tatlong iba pa sa ikinasang operasyon sa San Pablo City, Laguna.

Nauwi sa engkwentro ang operasyon matapos magpalitan ng putok ng baril ang pulisya at mga suspect sa bahagi ng Alvero compound, Barangay San Ignacio, Sabado ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, naunang pumutok ng baril ang mga suspect laban sa pulisya nang ihahain ang arrest warrants dahil sa illegal possession of firearms and illegal drugs.

Kinilala ni Laguna Provincial Police Director Sr. Supt. Eleazar Matta ang isa sa mga napatay na suspect na si Alain Alvero.

Si Alvero ay ikawalo sa kanilang listahan ng mga high-value target sa lugar. Si Alvero rin ang sinasabing responsable sa serye ng shooting incidents sa lalawigan.

Ayon pa kay Matta, si Alvero ang big time distributor ng bawal na gamot sa lalawigan at mga kapalit na munisipalidad.

TAGS: Alain Alvero, Gun for hire, Laguna Police, Alain Alvero, Gun for hire, Laguna Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.