K-12 program, idineklarang valid ng SC

Tuloy ang K-12 program ng gobyerno na Republic Act 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013 matapos itong ideklarang constitutional ng Korte Suprema.

Sa ilalim ng K-12 program, dinagdagan ang bilang ng taon ng basic education matapos isama ang kindergarten.

Nasa anim taon ang elementary education at anim na taon ang secondary education kung saan apat na taon ang junior high school habang dalawang taon ang senior high school.

Sa desisyon na sinulat ni Associate Justice Aldredo Benjamin Caguioa, nakasaad na idineklara ring legal ng Supreme Court ang Republic Act 10157 o ang Kindergarten Education Act na nagsama sa kindergarten bilang bahagi ng basic education at mandatory requirement para makapag-Grade 1.

Ibinasura ng Korte Suprema ang lahat ng petisyon kontra sa K-12 program dahil sa kabiguang patunayan na ang dalawang batas ay paglabag sa 1987 Constitution at ginawa ang mga ito ng may grave abuse of discretion.

Read more...