3 bata, patay matapos malunod sa Cavite

By Angellic Jordan November 10, 2018 - 02:08 PM

Patay ang tatlong bata matapos malunod sa ilang ilog sa General Trias, Cavite.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nag-swimming ang magkakaanak na tatlong batang babae sa Matandang Ilog sa bahagi ng Barangay Pasong Kawayan 2, Biyernes ng hapon.

Dito nalunod ang 11-anyos na si Fatima Salas.

Sinubukan itong tulungan ng kaniyang kapatid na si Christina Salas, 10-anyos, ngunit nalunod din ito.

Sunod namang tumulong ang kanilang pinsan na si Gergen Salas pero nalunod din ito.

Nang makita ng mga residente ang mga bata, itinakbo pa sila sa ospital ngunit idineklara nang dead-on-arrival.

TAGS: cavite, lunod, Matandang Ilog, cavite, lunod, Matandang Ilog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.