Miss Earth sponsor na inakusahan ng sexual harassment bumulwelta
Nagsalita na ang Miss Earth sponsor na inaakusahan ng sexual harassment ng ilang kandidata ng nasabing beauty contest.
Sa isang panayam, itinanggi ni Amado S. Cruz ang paratang at iginiit na hindi niya alam kung saan nanggaling ang ganito hinala.
Taong 2000 ay naging sponsor na si Cruz ng iba’t ibang pageant at kasama dito ang pagho-host ng dinner party sa Manila Yacht Club.
Gayunman, nanindigan ito na hindi totoong humihingi siya ng sexual favor sa mga kandidata.
Sa akusasyon nina Miss Canada Jaime Vandenberg na sinuportahan ng dalawa pang kandidata na sina Miss England Abbey-Anne Gyles at Miss Guam Emma Mae Sheedy sinabi nito na ilang beses siyang inalok ni Cruz kapalit umano ng korona.
Na-traumatize umano ang kandidata sa pangyayari.
Paglilinaw ni Cruz, hindi umano siya nag-alok ng magtungo ang mga kandidata sa Boracay at sa halip ang mga beauty queen aniya ang nagpahayag ng interes na magtungo sa nasabing island resort.
Nauna nang nagpasya ang Miss Earth organization na patawan ng “forever ban”si Cruz kaugnay ng pangyayari.
Hinikayat din nito ang ibang mga kandidata na nakaranas ng kaparehong insidente na magsumite ng written statement para magkaroon ng pormal na proseso.
Sa ngayon ay may plano si Cruz na gumawa ng legal na aksyon sa pangyayari.
Kumakalat din ngayon sa social media ang larawan ni Cruz kasama ang ibang mga kandidata.
Sa Twitter account ng isang Prince Puaso pinost nito ang picture ni Cruz kasama ang ibang Miss Earth Candidate kabilang si Miss Canada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.