Drug group nasa likod ng pagpatay sa ilang mga pulis ayon kay Albayalde

By Den Macaranas November 10, 2018 - 08:46 AM

Inquirer file photo

Pinag-iingat ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang kanyang mga tauhan laban sa bwelta ng mga sindikato ng droga.

Kasunod ito ng sunud-sunod na pag-ambush sa ilang opisyal at tauhan ng PNP.

Sa isang panayam ay sinabi ni Albayalde na may kaugnayan sa iligal na droga ang pag-atake sa ilang mga pulis sa nakalipas na mga araw.

Noong Huwebes ng gabi ay tinambangan ng riding-in-tandem si Supt. Edgar Cariaso sa kahabaa ng Caliraya Street sa Brgy. Tatalong sa Quezon City.

Bagaman naka-assign sa Internal Affairs Service (IAS) ng PNP si Cariaso ay dati ring nakasama sa ilang mga anti-illegal drug operations.

Ang internal affairs service ng PNP naman ang nag-iimbestiga sa kaso ng ilang police scalawags.

Noong nakalipas na Miyerkules ng gabi ay pinagbabaril habang sakay ng kanyang SUV sa V. Luna street sa Quezon City si P03 Rufino Gabis.

Droga rin ang posiblen dahilan ng pagpatay sa nasabing pulis ayon sa pinuno ng PNP.

Aminado naman si Albayalde na meron pa rin sa kanilang hanay ang sangkot sa iligal na droga at ito ang hinahanapan nila ng solusyon sa kasalukuyan.

Kamakailan lang ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan niya ng pabuya ang mga pulis na makaka-patay ng kanilang mga kapwa alagad ng batas na sangkot sa iligal na droga.

TAGS: albayalde, cariaso, drug group, gabis, Illegal Drugs, PNP, albayalde, cariaso, drug group, gabis, Illegal Drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.