Phivolcs, may payo sa publiko tungkol sa pagpapakalat ng mga mensahe tungkol sa lindol

Muling umapela ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na iwasan ang pagpapakalat ng mga mensahe tungkol sa lindol dahil sa posibleng pagdudulot nito ng takot sa mga mamamayan.

Sa isang Facebook post sinabi ng Phivolcs na kahit sino ay hindi kayang magdetermina kung kailan magaganap ang isang lindol.

Giit pa ng ahensya, wala pang teknolohiya sa buong mundo na makakaalam kung may mangyayaring lindol sa tamang oras, petsa at lokasyon.

Hinimok na lang ng Phivolcs ang mga mamamayan na maghanda sa mga posibleng mangyari sakaling tumama ang isang lindol.

Read more...