Holdaper patay sa engkwentro sa QC

By Jong Manlapaz November 10, 2018 - 05:21 AM

Patay ang isang holdaper matapos manlaban sa mga pulis ng Quezon City Police District Station 11 sa 7th street Brgy. Mariana.

Ayon kay Qcpd Station 4 Commander Supt. Carlito Mantala, isang sumbong ang natanggap nila na may dalawang katao ang nabiktima ng riding-in-tandem na holdaper sa Balete Drive, New Manila, Quezon City.

Kaya agad nagpakalat ng mga tauhan si Col. Mntala para tugisin ang mga suspek, at naabutan nila ang mga ito sa may bahagi ng 7th at 6th streets.

Nahulog ang angkas ng motor habang nakatakas naman ang kasama ng nasawing suspek dala ang motor.

Nabawi naman ang mga gamit ng mga biktima sa tabi ng nasawing holdaper, habang nakilala naman nila sa suot na damit ang nakatakas na suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.