M3.2 na lindol, naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-4:54 ngayong umaga.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 107 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim itong 14 na kilometro.

Tectonic ang dahilan ng pagyanig na hindi naman nagdulot ng aftershocks.

Nasa karagatan ito at hindi rin nagdulot ng pinsala.

Read more...