1,500 traffic auxiliaries ipakakalat ng MMDA ngayong holiday season

By Rhommel Balasbas November 10, 2018 - 04:14 AM

Magdedeploy ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga lokal na pamahalaan ng 1,500 traffic auxiliaries sa iba’t ibang bahagi ng kalakhang Maynila simula November 16.

Ito ay upang tumulong sa mga traffic enforcers sa inaasahang masikip na daloy ng trapiko ngayong holiday season.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, kailangangang palakasin ang manpower sa Metro Manila dahil inaasahang tataas sa 20 percent ang bilang ng mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa holiday rush.

Giit ni Garcia, malaking tulong ang 80 traffic auxiliaries kada lungsod para imando ang trapiko sa mga critical areas.

Samantala, nagbabala ang opisyal na mag-iisyu ng ticket ang traffic officials sa mga sasakyang iligal na naka-park at nakahambalang sa mga kalsada.

Pinatitiyak din sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng one-side parking para makabawas sa trapiko sa kanilang mga lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.