Higit 1,000 bahay, natupok sa California wildfires

By Isa Avendaño-Umali November 10, 2018 - 01:47 AM

Mahigit sa isang libong bahay ang natupok sa nagpapatuloy na wildfires sa California.

Batay sa ulat, may fatalities o mga nasawi na rin sa sunog pero hindi pa mailabas ang eksaktong bilang.

Mayroon ding mga sugatan, kabilang na ang mga sibilyan at mga bumbero.

Tatlo ang wildfires sa California: ang Camp fire sa Butte County, Hill fire sa Thousand Oaks at Woolsey fire sa may Simi Valley at Calabasas.

Wiped-out o grabe ang epekto ng sunog sa U.S. City of Paradise, at halos naabo na ang siyudad.

Naging mabilis ang pagkalat ng apoy, kaya napilitan ang libu-libong residente na magsilikas.

Idineklara na ni Acting California Governor Gavin Newsom ang state of emergency sa mga lugar na apektado ng wildfires.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.