Wagi ang Filipino mixed martial artist si Kevin Belingon bilang bagong ONE Bantamweight World Champion sa split decision, kontra kay Bibiano Fernandes.
Sa “ONE: Heart of Lion” na ginanap sa Singapore Indoor Stadium kahapon (November 9), tinapos ni Belingon ang matagal nang pag-angkin ni Fernandes sa trono.
Ayon kay Belingon, na kilala rin bilang “The Silencer,” alay niya ang kanyang tagumpay sa Panginoon at sa kanyang supporters at Team Lakay.
Aniya, malakas na kalaban si Fernandes at malaki ang respesto niya sa lanyang Brazilian opponent.
Sinabi naman ng Team Lakay na “deserve” ni Belingon ang pagkakapanalo nito/
Dahil sa pagkapanalo ni Belingon, ang rekord nito ay tumaas sa 20 wins-5 loss, habang si Fernandes ay may career record na 22 wins-4 loss.
Si Belingon ay mula sa Ifugao at bata pa lamang ay iniidolo na si Bruce Lee, na naging inspirasyon niya para pasukin ang mundo ng martial arts.