Ang North-South Commuter Railway (NSCR) System, na inaprubahan ng inter-agency Investment Coordination Committee-Cabinet Committee (ICC Cab-Com), ay popondohan mula sa mga utang na manggagaling sa Japan International Cooperation Agency (JICA) at ADB.
Ayon kay Finance Asst. Sec. Maria Edita Z. Tan, ang JICA ang maglalaan ng pondo sa aktuwal na konstruksyon habang ang ADB ang bahala sa civil works.
Ang train system, na ipapatupad ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railways, ay magkokonekta sa ongoing Phase 1 sa pagitan ng Malolos, Bulacan at Tutuban, Manila hanggang sa PNR South Commuter Railway sa Calamba gayundin sa Malolos-Clark Railway.
Ang 3 railway systems na may running total na 147 kilometers ay magkakaroon ng 36 stations at ikokonekta sa Light Rail Transit 1, LRT 2, Metro Rail Transit 3 at ang soon-to-rise na Metro Manila Subway.
Sa 2022 ang partial operations ng train system kung saan inaasahan na gagamitin ito ng 340,000 pasahero kada araw habang sa 2023 ang full operations nito kung saan inaasahang darami pa sa 550,000 ang pasaherong sasakyan bawat araw.