PNP pinag-aaralan ang pagsasampa ng kaso laban sa asawa ni Vic Ladlad
Posibleng magsampa ang Philippine National Police (PNP) ng kaso laban sa misis ng inarestong si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Vic Ladlad dahil sa umanoy pagharang sa police procedures.
Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, maaari nilang kasuhan ng obstruction of justice ang asawa ni Ladlad na si Fides Lim.
Ito ay matapos na mag-demand si Fides sa pulisya na payagan siyang makita ang mister habang ito ay sumasailalim sa police procedure sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Binanggit din ni Albayalde ang pagharang ni Fides sa mobile patrol car at hiniling nito kay Quezon City Police District (QCPD) Director Jose Esquivel Jr. na samahan nito ang mister sa sasakyan para wala raw mangyari sa asawa habang dinadala ito sa Camp Karingal sa Quezon City.
Ayon sa PNP chief, pag-uusapan nila ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang naturang isyu.
Muli namang itinaggi ni Albayalde na planted ang ebidensya laban kay Ladlad at lumang alibi na anya ito ng naaarestong suspect.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.