Bren, mabubuko na ni Coach B sa “Barangay 143”

Hindi na maitatago ni Bren Park (Migo Adecer) ang kanyang tunay na pagkatao dahil makikilala na siya ni Coach B (John Arcilla) ngayong Linggo (Nov 11) sa first Filipino anime series na “Barangay 143.”

Matapos makita sa tapsihan ni Tita Baby (Lorna Tolentino), agad na aalamin ni Coach B kung tama ang hinala niya sa bagong salitang Koreano sa kanilang lugar. Isang video ang kukumpirma na siya nga ang Korean basketball superstar.

Samantala, mahahanap naman ni Vicky (Julie Anne San Jose) ang susunod na magiging team captain ng Puzakals. Siya na kaya ang sagot sa pagiging kulelat ng kanilang team sa PIBA?

Pakatutukan ang first Filipino anime series na “Barangay 143,” tuwing Linggo, 10 AM sa GMA.

Tuloy ang viewing experience online dahil mapapanood ang “Barangay 143 Game Na” live sa Facebook, 10:30 AM, na may pre-show ng 9:45 AM. This Sunday (Nov 11), makakasama ng hosts na sina Arran Sese, Lucky Mercado, at Eji Santos ang special guest na si Een Mercado.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/brgy143, i-follow ang @brgy143 sa Instagram at Twitter, at mag-subscribe sa www.youtube.com/brgy143.

Read more...