ALAMIN: Rollback sa presyo ng oil products sa susunod na linggo

Good news muli!

May bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito na ang ika-limang bawas-presyo ng mga kumpanya ng langis.

Batay sa impormasyon mula sa energy industry, ang tapyas sa gasolina ay nasa P2.25 hanggang P2.45 kada litro, habang P1.60 hanggang P2.00 naman ang bawas sa kada litro ng diesel.

Ang pinal na halaga ng rollback ay depende sa resulta ng trading.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ang pormal na anunsyo ng mga oil company hinggil sa price rollback.

May maagang nag-aanunsyo, pero karaniwang epektibo ito tuwing Martes ng umaga.

Read more...