Pagpatay sa abogado ng NUPL kinondena ng EU

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2018 - 06:48 PM

Kinondena ng European Union ang pagpatay sa abogadong si Atty. Benjamin Ramos noong November 6.

Sa pahayag ng EU Delegation to the Philippines, mariing nitong tinuligsa ang pagpaslang sa secretary general ng Negros Occidental Chapter ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL).

Nagpaabot din ng pakikiramay ang EU sa pamilyang naulila ni Ramos at sa kaanak ng mga nasawing magsasaka sa Sagay sa naganap na pananambang noong October 20.

Si Ramos ay abugado ng National Federation of Sugar Workers sa Negros Occidental at tumutulong sa mga magsasaka matapos ang pagpaslang sa siyam na sugar cane farmers.

TAGS: Ben Ramos, eu, NUPL, Ben Ramos, eu, NUPL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.