Pambato ng Pilipinas sa Miss International 2018, itinanghal na 1st runner up

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2018 - 06:18 PM

Itinanghal na 1st runner up sa katatapos na Miss International 2018 ang pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo.

Ginanap ang kompetisyon sa Japan.

Sa question and answer, sinabi ni Manalo na kung siya ang magiging Miss International ay ipagpapatuloy niya ang pagiging boses ng kabataan.

Anim na beses nang nakukuha ng Pilipinas ang Miss International crown mula nang umpisahan ang nasabing pageant.

Kabilang sa mga pambato ng Pilipinas na naiuwi ang korona ay sina Gemma Cruz noong 1964, Aurora Pijuan noong 1970, Melanie Marquez noong 1979, Lara Quigaman noong 2005, Bea Santiago noong 2013, at Kylie Verzosa noong 2016.

Itinanghal namang Miss International 2018 ang pambato ng Venezuela.

TAGS: Ahtisa Manalo, Miss International 2018, Pageant, Ahtisa Manalo, Miss International 2018, Pageant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.